Wednesday, December 25, 2024

HomeNewsTulak ng droga, arestado sa Southern Leyte

Tulak ng droga, arestado sa Southern Leyte

Southern Leyte – Timbog ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy Divisoria, Bontoc, Southern Leyte nitong ika-18 ng Setyembre 2022.

Kinilala ang naaresto na si alyas “Vin”, 29 anyos, construction worker at residente ng nasabing barangay.

Bandang 4:25 ng hapon naaresto si alyas “Vin” ng mga pinagsanib na operatiba ng Bontoc Municipal Police Station, Southern Leyte Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, 1st at 2nd Southern Leyte Provincial Mobile Force Company at sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency 8.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, isang libong peso-bill na marked money, isang cellphone, at isang motor.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe