Saturday, May 18, 2024

HomeNewsTop 1 Most Wanted Person sa Cebu, arestado

Top 1 Most Wanted Person sa Cebu, arestado

Matapos ang ilang taon na pagtatago sa batas, napasakamay na ng mga awtoridad ang Top 1 Most Wanted Person ng Cebu (Provincial Level) nito lamang Setyembre 20, 2022 sa Brgy. Carreta Cebu City.

Kinilala ng mga awtoridad ang naaresto na si Mario Baquelta, 29 taong gulang at residente ng Brgy.Jugan, Consolacion, Cebu.

Si Baquelta ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa paglabag sa ART. 266-A RPC na inamiyendahan ng RA 8353 na may Criminal Case Number na R-CEB-20-01795-CR, R-CEB-20-01796-CR, R-CEB-20-01797-CR, R-CEB-20-01798-CR, R-CEB-20-01799-CR, at R-CEB-20-01800-CR, na inisyu lahat ni Hon. Ester M Veloso, Presiding Judge ong RTC, Branch 06, Cebu City noong ika-6 ng Marso 2022.

Ang akusado ay agad na dinala sa tanggapan ng City Mobile Force Company para sa kaukulang dokumentasyon bago i-turn-over sa korte para sa tamang disposisyon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe