Monday, May 20, 2024

HomePoliticsGovernment Updates337 indibiwal, benepisyaryo ng 1st Digital Medical Mission sa Las Navas, Northern...

337 indibiwal, benepisyaryo ng 1st Digital Medical Mission sa Las Navas, Northern Samar

Mahigit 337 Nortehanon ang naging benepisyaryo ng X-ray, ultrasound, consultations at mga gamot tulad ng vitamins at antibiotics sa 1st Digital Medical Mission sa Las Navas, Northern Samar na ginanap nitong Setyembre 17, 2022.

Pinangunahan ni Cong. Harris Christopher Ongchuan ang nasabing aktibidad, na pinasalamatan at pinuri pa ang 1 Filipino Foundation, Lokal na pamahalaan ng Las Navas sa pamumuno ni Mayor Arlito Tan at Vice Mayor Minda M. Tan at iba pang mga lokal na opisyal sa tulong at suporta ng mga ito para maging maayos at matagumpay ang naturang aktibidad.

Tiniyak naman ni Cong. Ongchuan na patuloy nilang ilalapit ang serbisyong panlipunan at pangkalusugan sa mga tao at hindi titigil hanggat hindi naaabot ang bawat barangay ng distrito.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe