Saturday, September 21, 2024

HomeNewsTop Most Wanted sa Lapu-Lapu City, arestado

Top Most Wanted sa Lapu-Lapu City, arestado

Lapu-Lapu City – Timbog ang Top 7 Most Wanted Person Provincial Level sa Lapu-Lapu City sa magkatuwang na operasyon na ikinasa ng mga miyembro ng 701st Maneuver Company at Lapu-Lapu City Police Office sa Soong Center, Brgy. Soong, Lapu-Lapu City nito lamang ika-13 ng Agosto 2022.

Kinilala ang naaresto na si Peter Orongan alyas “Pet”, 25 taong gulang, residente ng nabanggit na lugar.

Naaresto ang naturang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 na inisyu ni Hon. Panfilo Intud Sala Jr, Presiding Judge ng RTC Branch 28, 7th Judicial Region, Mandaue City na may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng PHP200,000.00.

Ang matagumpay na pagkakaaresto kay Orongan ay bunga ng matagumpay at maayos na pagsasagawa ng mga kapulisan sa Lapu-Lapu City ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations o SACLEO ng PNP.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe