Tuesday, May 21, 2024

HomeNewsTop 9 Most Wanted Person sa Leyte, arestado ng mga awtoridad

Top 9 Most Wanted Person sa Leyte, arestado ng mga awtoridad

Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaki na Top 9 Most Wanted Person sa probinsya ng Leyte sa Sitio Laguna Brgy Penalosa, Alangalang, Leyte nitong Biyernes, Agosto 12, 2022.

Kinilala ang naaresto na si alyas “Caste”, 40 taong gulang, farm laborer at residente ng nasabing barangay.

Bandang 5:40 ng hapon nang naaresto si alyas “Caste” sa bisa ng warrant of arrest na isinakatuparan ng mga operatiba ng Provincial Intelligenece Unit, Provincial Investigation Detection Management Unit at Alangalang Municipal Police Station.

Nahaharap ang suspek sa kasong Attempted Murder na inisyu ni Hon. Lolita Ripalda Mercado, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 46, Bulwagan ng Katarungan, Tacloban City na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php120,000.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe