Engkwentro sa Negros kung saan isang rebelde ang nasawi, kapatid umano sa napaslang noong 2023

    0
    97
    Screenshot

    Ang pagkamatay ng kaniyang kapatid noong 2023, ang umano’y isa sa mga dahilan ng pagsanib ng nasawing rebelde noong December 2 sa Sitio Cabagal, Barangay Buenavista, Himamaylan City sa teroristang grupo na New People’s Army (NPA).

    Ayon kay Ida Tingal, ang nanay ng nasawing rebelde, na ang kaniyang bunsong anak na si Ruben Tingal, ay umanib umano sa kilusang grupo matapos mapaslang ang kanyang kapatid noong May 2023 sa parehong kadahilanan.

    Simula noon, wala na siyang impormasyon sa kinaroroonan ni Ruben.

    Hindi na umano nabigla si Ida sa balita, sapagkat matagal na itong nawalay sa kanila. Dagdag pa niya na kung siya lamang ang masusunod, matagal na niya itong pinapasuko at magbalik muli sa pamahalaan.

    “I would have told him to surrender if I had seen him, but I never saw him again after he went underground,” dagdag pa niya.

    Samantala, ayon kay 94th Infantry Battalion Commander Lieutenant Colonel Zeigfred Tayaban, ang bagong nasawing rebelde ay nagsilbing squad leader ng NPA’s Central Negros 2 unit.

    Dagdag pa nito na si Ruben Tingal ay bahagi sa grupo na pinaniniwalaang siyang responsable sa pagtatanim ng takot sa mga residente kabilang na ang pagsusunod ng mga construction equipment sa Central Negros.

    Naganap ang encounter nang magresponde ang mga sundalo matapos makatanggap ng ulat ng pangingikil umano ng grupo sa mga residente.

    Nagtatal ang engkwentro sa loob ng 15 minutes. Habang narekober naman ng mga awtoridad sa encounter site ang M16 rifle, ammunition, food supplies, explosives, at iba pang mga dokumento various.