Lider ng NPA, patay sa engkwentro sa Himamaylan City, Negros Occidental

0
84

Patay ang isang pinaniniwalaang lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa naganap na sagupaan sa Brgy. Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental nitong Martes ng umaga, December 2, 2025.

Kinilala ang nasabing lider ng NPA sa alyas na “Ka Marcos”, Squad Leader ng Central Negros NPA Command.

Ayon sa ulat, alas-7:00 ng umaga nang magresponde ang tropa ng mga sundalo sa nasabing lugar matapos makatanggap ng report hinggil sa isinasagawang pangongotong ng grupo ni Ka Marcos sa mga residente partikular na sa mga magsasaka ng nasabing barangay.

Agad nagkaroon ng palitan ng putok nasiyang sanhi ng pagkasawi ni Ka Marcos.

Pinasalamatan naman ng mga awtoridad ang mga residente sa Himamaylan na patuloy na sumusuporta sa pamahalaan sa pamamagitan ng maagap na pagbibigay ng mga impormasyon upang masawata ang parehong mga illegal na aktibidad na patuloy na ginagawa ng mga rebeldeng grupo.

Nanawagan din sila sa mga natitira pang miyembro nito na tuluyan ng magbali-loob sa pamahalaan upang mamuhay ng tahimik kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.