Matagumpay na inilunsad ng Local Amnesty Board (LAB) ng Negros Island Region, sa ilalim ng pamumuno ni Atty. Melvin P. Baylon, Public Attorney III, ang Amnesty Orientation at Application Activity para sa mga dating tagasuporta, contacts, couriers, maging ng mga former regular members ng Communist Terrorist Group (CTG) nito lamang November 27, 2025 sa Headquarters ng Alpha (Agimat) Company, Philippine Army sa Barangay Camingawan, Kabankalan City, Negros Island Region.
Layunin ng naturang aktibidad na bigyan ng sapat na kalaman ang lahat ng mga eligible participants kaugnay sa amnesty program nito—kabilang na ang iba’t ibang mga legal procedures, requirements, at mga oportunidad ng mga dating rebelde na magbabalik-loob sa pamahalaan.

Ang naturang inisyatiba ay bahagi rin sa patuloy na dedikasyon ng LAB- Negros Island upang mas mapagtibay ang pinalawak na peace and reconciliation agenda ng national government para sa lahat ng mga dating CTG-affiliated na mga indibidwal.
Saad pa ni LTC ZIEGFRED D. TAYABAN INF (GSC) PA, Commanding Officer ng 94th Infantry (Mandirigma) Battalion, na mahalaga ang nasabing programa upang pagtibayin ang kapayapaan at seguridad sa buong Negros Island Region.

Pinasalamatan din niya ang lahat ng mga bumubuo ng LAB-NIR, mga partner agencies, maging ang mga aplikante sa kanilang pakikipagtulungan upang makamit ang tunay na kapayapaan tungo sa kaunlaran ng mga komunidad sa rehiyon.
