Saturday, November 23, 2024

HomeRebel NewsCTG member boluntaryong sumuko sa Sibalom, Antique

CTG member boluntaryong sumuko sa Sibalom, Antique

Boluntaryong sumuko ang isang 46 anyos na miyembro ng Communist Terrorist Group o CTG sa mga awtoridad sa Sibalom, Antique nitong ika-17 ng Setyembre 2022.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Beloy,” residente ng nabanggit na bayan.

Sumuko si Beloy sa mga operatiba ng Sibalom Municipal Police Station sa pakikipagtulungan sa mga tauhan ng Antique Provincial Intelligence Team (PIT), Provincial Intelligence Unit (PIU); 1st APMFC at ng Regional Intelligence Unit 6(RIU).

Kasama niyang isinuko ang kanyang isang yunit ng 12-gauge homemade shotgun rifle type (Serviceable) at isang (1) unit fragmentation grenade.

Si Beloy ay kasalukuyan ng nasa kustodiya ng Sibalom PNP para sa custodial debriefing report at iba pang karagdagang dokumentasyon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe