Monday, May 20, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesRepair at Rehabilitasyon ng mga kalsada sa Samar, iginiit ni Representative Jimboy...

Repair at Rehabilitasyon ng mga kalsada sa Samar, iginiit ni Representative Jimboy Tan kay DPWH Sec. Manuel Bonoan

Kinuwestion ni Samar First District Rep. Jimboy Tan si DPWH Sec. Manuel Bonoan sa budget deliberation para sa Department of Public Works and Highways nitong ika-20 ng Setyembre 2022.

Kaugnay ito sa kaawa-awang estado ng mga kalsada at tulay sa Samar na ang maintenance at preservation ay nasa ilalim ng DPWH.

Sinabi ni Tan na binanggit niya ito dahil ramdam niya ang hirap ng mga commuter at motorista na dumadaan sa may dalawandaang kilometro ng national highway mula sa Unang Distrito patungong Ikalawang Distrito.

Aniya, ang dahilan ng kanyang pagsusulong para sa kinakailangang repairs ay ang tila hindi kabilang sa priority list ng DPWH ang bahaging ito ng rehiyon kung ang pagbabatayan ay ang kondisyon ng mga kalsada ngayon.

Binigyang diin ni Tan na mahalagang makumpuni ang mga kalsada lalo’t ang lalawigan ng Samar ay binibisita ng halos dalawampung bagyo kada taon na nagpapalala sa kalagayan ng mga kalsada at tulay.

Hiniling ng kongresista kay Bonoan na mag-allocate ng budget para sa Primero Distrito upang matiyak na ang mga kalsada at tulay ay preserved at maintained at nasa priority list.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe