2 Sundalo, nasawi sa encounter sa pagitan ng NPA sa San Jose De Buan, Samar clash

    0
    55

    Nasawi ang dalawang sundalo at isa pang sibilyan sa sagupaan sa pagitan ng NPA at militar sa Barangay Babaclayon, San Jose De Buan, Samar nito lamang Miyerkules, December 3, 2025.

    Ito at kinumpiram ni Philippine Army Chief, Lieutenant General Antonio Nafarrete, na sinabing kasalukuyang nagluluksa ang buong hanay sa pagkasawi ng nasabing mga sundalo.

    Aniya, “Our fallen soldiers served with courage and dedication, and their sacrifice will not be forgotten. Security operations will continue to ensure the protection of local communities.”

    “We extend our heartfelt condolences to their families and assure them of the Army’s full support during this difficult time,” dagdag pa niya.

    Sa kabilang banda, hinikayat pa rin ni LtGen Nafarrete ang mga natitira pang miyembro ng NPA na magbalik loob na sa pamahalaan sapagkat magpapatuloy pa rin ang Philippine Army sa pagtugis sa lahat ng mga nananatili sa maling kilusan.

    “We call on the remaining CPP-NPA members to abandon armed struggle and pursue peaceful reintegration,” saad pa niya.

    “We will have no let up as troops continue to track down and pursue CTG remnants. The Philippine Army remains steadfast in its commitment to safeguarding our people and working toward lasting peace,” dagdag pa niya.

    Sa ibang pahayag, sinabi ng 8th Infantry Division ng Philippine Army, na naganap ang sagupaan matapos makatanggap ang tropa ng pamahalaan ng ulat mula sa mga residente na sapilitang pumapasok ang rebeldeng grupo sa mga pribadong kabahayan kung saan ginagawa nilang hide out ang mga ito.

    Ngunit pinaulanan agad sila ng bala ng nasabing grupo kaya napilitan ang mga sundalo na dipensahan ang kanilang mga sarili maging ang mga residente sa pinangyarihang lugar.

    “They were met with deliberate and hostile fire from heavily armed CNTs, prompting soldiers to engage in a legitimate defensive firefight,” saad pa ng 8ID.

    “While maneuvering to shield civilians caught in the danger area, troops were treacherously targeted by the CNTs,” dagdag pa nito

    Patuloy namang nagsasagawa ng pursuit operations ang mga kasundaluhan upang tugisin ang lahat ng mga natitirang rebelde sa nasabing lugar upang hindi na makagawa pa ng parehong mga irregularidad at paglabag lalo na sa International Humanitarian Law (IHL).