Saturday, May 18, 2024

HomeNewsTop 1 Most Wanted Person ng Cebu, arestado

Top 1 Most Wanted Person ng Cebu, arestado

Timbog ng mga kapulisan sa Central Visayas ang top 1 most wanted person ng Cebu sa operasyon na ikinasa sa Sitio San Roque, Barangay Luz, Cebu City noong ika-6 ng Setyembre 2022.

Kinilala ng mga awtoridad ang naaresto na si Elme Mejares Durango alyas “Bal”, 30, na kasalukuyang naninirahan sa nabanggit  na lugar.

Si Durango ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa paglabag sa Article 266-A ng Revised Penal Code na may Criminal Case Number R-CEB-22-05432-CR na inisyu ni Hon. Ester Morales Veloso, Presiding Judge ng Regional Trial Court, 7th Judicial Region, Branch 6, Cebu City noong Setyembre 5, 2022 ng walang rekomendadong piyansa.

Ang matagumpay na pagkakaaresto sa akusado ay bunga ng pagtutulungan ng mga tauhan ng Criminal Investigation Unit, Cebu Provincial Field Unit; City Mobile Force Company, Cebu City Police Office at Cebu Police Provincial Office.

Agad namang dinala ang akusado sa CIDG, Cebu Provincial Field Unit para sa karagdagan pang dokumentasyon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe