Road Clearing Operation, isinagawa ng mga awtoridad sa Miag-ao, Iloilo

0
100

Isang Road Clearing Operation ang isinagawa sa harap ng Miag-ao National High School na matatagpuan sa kahabaan ng national highway sa Barangay Igtuba, Miag-ao, Iloilo, ng mga tauhan ng Miag-ao MPS nito lamang ika-5 ng Agosto, 2025.

Pinangunahan ni PCpl Reynold Bugna, Traffic Supervisor ng Miag-ao Municipal Police Station, sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Richard V Lao, Officer-In-Charge ang naturang aktibidad.

Ang naturang Road Clearing Operation ay isinagawa katuwang ang mga traffic aide, na may layuning matiyak ang maayos na daloy ng trapiko at kaligtasan ng mga motorista at pedestrian, lalo na tuwing oras ng pasukan at labasan ng mga estudyante.

Bilang bahagi ng aktibidad, personal na nakipag-ugnayan ang mga awtoridad kay Ginang Sherwin Gemarino, Punong Guro ng paaralan, upang talakayin ang mga hakbang para sa kaligtasan ng mga mag-aaral habang tumatawid o naglalakad sa kahabaan ng abalang kalsada.

Tinalakay rin ang mga lugar na maaaring lagyan ng karagdagang signages at ang pagpapalakas ng disiplina sa trapiko sa hanay ng mga guro, magulang, at estudyante.

Ang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng mga awtoridad ng Miag-ao, Iloilo upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa kalsada, lalo na sa mga lugar na may matinding aktibidad ng mga pedestrian gaya ng school zones.

Ipinapakita rin nito ang dedikasyon ng awtoridad sa aktibong pakikilahok sa komunidad at pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya para sa kapakanan at proteksyon ng kabataan.

Source: MIAGAO MPS FB PAGE