Thursday, November 7, 2024

HomeNewsReenactment ng unang misa, binyag, at kasal tinunghayan ng 6K deboto

Reenactment ng unang misa, binyag, at kasal tinunghayan ng 6K deboto

Nasa 6,000 na deboto ang nanood sa reenactment ng unang misa, unang binyag at seremonya ng kasal nina Reyna Juana at Rajah Humabon sa Basilica Minore del Sto. Niño Church noong Sabado, Enero 14, 2023.

Sa pahayag ng media liaison ng basilica na si Fr. John Ion Miranda, sinabi nito na ang aktibidad ay isa sa mga highlight ng taunang Sinulog Festival.

Samantalas, sa homiliya bago ang reenactment, muling pinaalalahanan ni Rev. Fr. Nelson Zerda ang ang mga deboto, lalo na ang mga dumaranas ng mga pagsubok, na ang kapayapaan ay makakamit lamang sa matibay na pananampalataya at mga panalangin.

Pinayuhan din niya ang mga mananampalataya na huwag umasa sa suwerte bagkus umasa sa tibay ng kanilang pananampalataya.

“Ang buhay natin ay hindi nakasalalay sa suwerte. Nabubuhay tayo dahil sa biyaya at kapangyarihan ng Diyos na tagapagliligtas,” aniya.

Hinikayat niya ang mga mananampalataya na magkaroon ng positibong pananaw sa buhay, kumuha ng lakas sa mga panalangin at iwasan ang kanilang mga sarili mula sa masasamang tukso.

“Hindi ipinangako ng Diyos sa atin ang isang hardin ng rosas o isang buhay na may kaginhawahan, ngunit ipinangako Niya sa atin na Siya ay maglalakbay kasama natin hanggang sa katapusan ng panahon,” sabi ni Zerda.

Sa panahon ng reenactment ng pagpapakilala ng Kristiyanismo sa kapuluan noong 1521, sinalubong nina Reyna Juana at Rajah Humabon ang pagdating ng Portuguese Explorer na si Ferdinand Magellan at nabinyagan bilang mga Romano Katoliko.

Ibinigay ni Magellan ang patron image ng Sto Niño sa mag-asawa bilang regalo sa binyag. Natuwa si Reyna Juana at isinayaw ang imahe, na sinasabing unang sayaw ng Sinulog.

Ilang mananayaw din ang nagtanghal, nag-aalay o “handog” sa Batang Hesus.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe