Thursday, December 26, 2024

HomeNewsPulis, kabilang sa tatlong naaresto sa buy-bust operation sa Cebu

Pulis, kabilang sa tatlong naaresto sa buy-bust operation sa Cebu

Matagumpay ang isinagawang Drugs Operation ng Badian Police Station na kung saan isang aktibong pulis at dalawa pang indibidwal ang naaresto sa isinagawang Anti-Illegal Drugs Operation ng Cebu Police Provincial Office sa Barangay Poblacion, Badian, Cebu nito lamang Martes, Agosto 23, 2022.

Kinilala ni Police Staff Sergeant Dennis Sun, Chief Investigator ng Badian Police Station, ang mga suspek na sina Patrolman Apollo Concepcion, aktibong miyembro ng Cebu Police Provincial Office, kasama ang kayang live-in partner na si Charisse Ylaya, 34, at ang kanyang assistant nasi Raphael Legarde, 21.

Base sa imbestigasyon na ginawa ng Badian Police Station, lumalabas na si Patrolman Conception ay kabilang sa Watch List ng kanilang nasasakupang lugar, dagdag pa ditto nilagay nila itong si Patrolman Concepcion sa binabantayan ng pulisya matapos makatanggap ng mga impormasyon mula sa mga police assets ng Badian Police Station tungkol sa pagkakasangkot umano ng pulis sa illegal na aktibidad partikular na sa ilegal na droga, Umabot sa apat na buwan ang pagmamanman bago naisagawa ang buy-bust operation laban sa suspect.

Dagdag pa ni Sun, naaresto si Concepcion bandang 7:20 ng umaga ng Agosto 23 matapos nakuha sa kanya ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu na binenta sa poseur buyer. Nakuha din sa dalawa pang mga suspek ang anim na sachet ng shabu na may timbang na 20 gramo na may street value na Php136,000, isang hand grenade, Php1,000 marked money at isang sling bag na ginamit bilang lalagyan ng ilegal na droga.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa Badian Police Station habang hinihintay ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of explosive.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe