Post-Debriefing ng Disaster Response Operations, isinagawa ng mga awtoridad sa Iloilo City

0
139

Matagumpay na isinagawa ng mga awtoridad ang post-debriefing kaugnay ng disaster response operations sa panahon ng Southwest Monsoon na pinalakas ng mga bagyong “Crising,” “Dante,” at “Emong” nito lamang ika-6 ng Agosto, 2025 mula alas-1:00 hanggang alas-5:00 ng hapon sa Iloilo City Operations Center, Henry Sy Gaisano ICARE Center, San Rafael, Mandurriao, Iloilo City.

Pinangunahan ang nasabing debriefing ni Iloilo City Mayor Hon. Raisa Treñas katuwang ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Dumalo at aktibong nakibahagi ang mga awtoridad mula sa Iloilo City Police Office (ICPO) na pinamumunuan ni PCOL Kim P Legada, City Director, kasama sina PLTCOL Jereme Belo, Hepe ng City Operations Management Unit (COMU), at PLTCOL Marlon N Valencia, Hepe ng City Community Affairs and Development Unit (CCADU).

Layunin ng pagpupulong na tipunin ang iba’t ibang kinatawan ng Response Clusters—kabilang ang Food and Non-Food Items, Protection, Health and Sanitation, at Law and Order Clusters—upang suriin ang naging tugon, kilalanin ang mga naging bahagi ng matagumpay na operasyon, talakayin ang mga suliraning naranasan, at higit pang pag-ibayuhin ang koordinasyon para sa mas epektibong disaster management sa hinaharap.

Muling pinatunayan ng pamahalaang lungsod ng Iloilo, katuwang ang iba’t ibang ahensya at awtoridad, ang kanilang kahandaan at dedikasyon sa pangangalaga sa kaligtasan at kapakanan ng mamamayan sa panahon ng sakuna.

Source: ICPO FB PAGE