Monday, January 6, 2025

HomePoliticsGovernment UpdatesPhp31.26-M cash aid, naipamahagi ng DSWD sa mga estudyante sa Eastern Visayas

Php31.26-M cash aid, naipamahagi ng DSWD sa mga estudyante sa Eastern Visayas

Naglabas ng Php31.26 milyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang tulong pang-edukasyon sa 12,670 na mahihirap na estudyante sa Eastern Visayas nitong nakalipas na tatlong linggo.

Ayon kay Atty. Jonalyndie Chua, DSWD 8 (Eastern Visayas) Information Officer, magpapatuloy ang pagpapalabas ng cash aid sa susunod na tatlong Sabado ng Setyembre para ma-accommodate ang mas maraming aplikante.

“Ang pagtanggap ng mga bagong application ay pansamantalang itinigil dahil kailangan naming iproseso ang mga naunang higit sa 300,000 applicants sa aming online appointment portal. Sinisiguro namin na walang duplication dahil ang ilang mga registrant ay maraming entries,” sabi ni Chua.

Ipoproseso ng DSWD ang lahat na existing online applications bago muling buksan ang portal, ngunit ito ay depende sa pagkakaroon ng mga pondo, dagdag ni Chua.

“We are assured of a budget for educational assistance until the end of September. There are still no discussions if there will be disbursements in October,” aniya pa.

Sinimulan ng ahensya ang pamamahagi ng financial na tulong sa mga mag-aaral noong Agosto 20. Dahil sa siksikan sa mga tanggapan ng DSWD, nagdesisyon ang ahensya na magbukas ng online appointment portal.

“Last September 3 ang pinaka organized since wala nang walk-in applicants. Ang aming mga tauhan ay nakapag-focus sa pagpoproseso ng aplikasyon sa halip na makilahok sa crowd control,” sabi pa niya.

Sa pamamagitan ng Educational Assistance ng DSWD sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation, ang cash aid ay ibinibigay sa “students-in-crisis” upang makatulong na mabayaran ang mga gastos sa matrikula, mga gamit sa paaralan, transportation allowance, at iba pang school-related expenses.

Ang tulong ay ibinibigay sa pamamagitan ng outright cash grant na nagkakahalaga ng Php1,000 para sa elementarya, Php2,000 para sa high school, Php3,000 para sa senior high school, at Php4,000 para sa kolehiyo at vocational courses.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe