Wednesday, December 25, 2024

HomeNewsPhp2M halaga ng butane canister, nasabat sa raid sa Mandaue City, Cebu

Php2M halaga ng butane canister, nasabat sa raid sa Mandaue City, Cebu

Humigit-kumulang Php2 milyong halaga ng butane canister ang nakumpiska mula sa isang negosyante sa Barangay Labogon, Mandaue City, Cebu noong Martes ng gabi, Abril 18, 2023.

Ang subject ng operation na kinilalang si Ranulfo Butar, 55, residente ng Labogon ay hinuli sa loob ng kanyang dalawang palapag na bahay.

Sa pahayag ni Arnel Pura, Agent-in-Charge of National Bureau of Investigation Mandaue Office, nitong Miyerkules, Abril 19, na ibinenta ni Butar ang butane canister sa mas mababang presyo nang walang lisensya o permit to operate.

Dagdag pa ni Pura, nalaman nila ang ilegal na aktibidad ng suspek noong nakaraang linggo mula sa isa sa kanilang impormante.

Nasakote ng mga operatiba ng NBI si Butar matapos nitong tanggapin ang P1,000 buy-bust money mula sa isang ahente ng NBI.

Sinabi ni Pura na inamin ni Butar ang alegasyon laban sa kanya.

Nasamsam mula sa kanya ang 3,416 piraso ng walang laman na butane canister, 10 50kg LPG tank, tatlong LPG refilling machine, dalawang heavy duty compressor, at isang delivery truck para sa kanyang negosyo.

Ang mga nakumpiskang gamit ay dadalhin sa field office ng Department of Energy Visayas para sa tamang pagtatapon.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa NBI Cebu District Office.

Mahaharap siya sa mga kasong paglabag sa Republic Act (RA) 11592 (LPG Industry Regulation Act), Presidential Decree 1865 (Illegal Sale of Petroleum Products), at RA 8293 (Intellectual Property Code), na lahat ay may multang P120,000. .

Para sa unang quarter ng 2023, mula Enero hanggang Marso, nakapagtala ang Mandaue ng hindi bababa sa walong insidente ng ilegal na pagbebenta ng canister na may kabuuang P5 milyon.

Binalaan at pinayuhan naman ni Pura ang publiko na umiwas sa paggamit ng mga illegally refilled butane canister at sa halip ay bumili ng lehitimong butane para maiwasan ang pagkakaroon ng sunog.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe