Saturday, November 23, 2024

HomeNewsPekeng visa holder sa Calbayog City, arestado ng Region 8 Immigration Intelligence...

Pekeng visa holder sa Calbayog City, arestado ng Region 8 Immigration Intelligence Operatives

Isang Indian National na naninirahan sa Purok 3, Barangay Obrero, Calbayog City, na pinaniniwalaang nakakuha ng residence visa sa pamamagitan ng pekeng dokumento ay naaresto ng mga operatiba ng Regional Intelligence Office Unit 8 ng Bureau of Immigration.

Ang operasyon na pinahintulutan sa ilalim ng Mission Order No. 2023047, isinagawa noong umaga ng Mayo 02, 2023 sa Barangay Obrero kung saan ang isang Indian National ay nakita, nakilala at kalaunan ay nagpakilalang si Tejinder Singh.

“Nabigo si Singh na ipakita ang kanyang pasaporte at sa halip ay ibinigay ang kanyang Driver’s License,” sabi ng ulat ng RIOU 8.

Nang masabi ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng Republic Act 7438, ang Indian National ay inaresto at agad na dinala sa Bureau of Immigration main office sa Maynila kung saan siya ay dumaan sa mga kinakailangang pamamaraan tulad ng RTPCR tests, medical examinations at na-endorso sa Legal Division para sa paunang imbestigasyon.

Ang Indian National ay haharap sa mga kasong Fraud at maling representasyon para sa pananatili sa Pilipinas sa ilalim ng isang residence visa na nakuha sa pandaraya.

Ang kustodiya ni Singh ay properly turned over bilang awtorisado sa ilalim ng Commitment Order No. LD-CO-2023-100.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe