Magsasagawa ang mga awtoridad ng masusing imbestigasyon kaugnay sa isang Striker o Utusan ng mga Bilanggo na tagabili ng mga Grocery Items sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC) matapos maaresto sa isang drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas (PDEA7).
Sinabi ni PDEA 7 Information Officer, Leia Alcantara na makikipag-coordinate sila sa pamunuan ng CPDRC kung ang suspek na si Mareben Barbecho, 40, ay naghalo ng droga sa grocery items.
Si Barbecho, na nagmula sa Sitio Fatima, Barangay Kamputhaw, Cebu City, ay naaresto sa isang anti-illegal drug operation dahil sa pagkakaroon ng humigit-kumulang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon noong Martes ng hapon, Pebrero 21, 2023.
Una nang pinabulaanan ni Barbecho ang pag-aangkin na siya ay nagmamay-ari at nagbebenta ng ipinagbabawal na droga, ngunit pagkatapos na tanungin ng mga ahente ng PDEA, inamin ng suspect ang kanyang involvement sa nasabing iligal na droga at isang malaking sindikato ang nasa likod nito sa Cebu City.
Gayunpaman, hindi na nagpahayag ng mga detalye ang suspek patungkol sa grupo na kanyang kinabibilangan.