Sunday, November 24, 2024

HomeNewsPaglalagay ng CCTV camera sa 8 pampublikong paaralan sa Lungsod ng Talisay,...

Paglalagay ng CCTV camera sa 8 pampublikong paaralan sa Lungsod ng Talisay, inaprubahan na ng City Council

Inaprubahan na ng Talisay City Council ang paglalagay ng closed-circuit television (CCTV) camera sa limang elementarya at tatlong sekondaryang paaralan sa lungsod.

Ayon kay Councilor Eduardo “Digul” Gullas, Chairman ng Committee on Education ng konseho, kabilang sa mga paaralan na malalagyan ng CCTV ay ang primary school sa Barangay Candulawan, Dumlog, Maghaway, Manipis at San Isidro at ang mga secondary school sa Candulawan, San Isidro at Maghaway.

Bawat paaralan ay tatanggap ng P50,000 para mabili ang mga CCTV camera.

“13 lang sa 18 elementarya na walang CCTV ang hindi pa nakakatanggap nito at lima lang sa walong high school ang kulang sa CCTV,” sabi ni Gullas.

Dagdag na nito, na kukunin ang budget para sa mga kagamitan sa Special Project Plan ng Alkalde ng lungsod.

Ang proyekto ay dinisenyo upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at kanilang mga guro.

Umaasa si Gullas na makumpleto ang pagkakabit ng CCTV camera sa bawat paaralan sa unang quarter ng taong ito.

Kaugnay pa rito, noong nakaraang buwan, nauna ng inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang paglalagay ng mga CCTV camera sa tatlong elementarya sa Barangay Dumlog, Lagtang at Manipis.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe