Thursday, November 14, 2024

HomeNewsP387 milyong halaga ng shabu, nakumpiska sa Liloan Port

P387 milyong halaga ng shabu, nakumpiska sa Liloan Port

Umaabot sa 57 tea bags ng shabu (methamphetamine) ang nakumpiska sa isinagawang K9 inspection ng mga otoridad sa Liloan Port, Brgy. San Roque, Liloan, Southern Leyte, noong Nobyembre 8, 2024.

Pinangunahan ng Liloan MPS kasama ang PPA Liloan, Philippine Coast Guard, at PDEA ang operasyon, kung saan nakuha ang hinihinalang shabu mula sa isang sasakyan na MV Fastcat M17 na galing sa Surigao City.

Ang driver ng sasakyan ay kinilalang si alyas “Toring,” na taga-Surigao City. Ang sasakyan na kanyang minamaneho ay nakarehistro sa Carmen, Surigao del Sur.

Ang kabuuang timbang ng shabu na nakumpiska mula sa suspek ay 57 kilo at tinatayang may market value na P387,000,000.

Nakatakas ang suspek at patuloy ang operasyon ng mga awtoridad upang siya’y madakip. Kung mahuli, sasampahan ng kaso ang suspek batay sa RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe