Wednesday, December 25, 2024

HomeNews‘Oplan Ayos Biyahe’, inilunsad ng LTO 7

‘Oplan Ayos Biyahe’, inilunsad ng LTO 7

Magsasagawa ang Land Transportation Office sa Central Visayas (LTO 7) ng roadside inspection ng mga public utility vehicles (PUVs) sa apat na probinsya sa rehiyon bilang bahagi ng “Oplan Ayos Biyahe: Semana Santa and Summer Vacation 2023.”

Sinabi ni LTO 7 Director Victor Caindec na naglabas ng direktiba si Transportation Secretary Jaime Bautista na tiyakin ang kaligtasan sa paglalakbay tuwing Semana Santa dahil maraming tao ang umuuwi sa kanilang sariling bayan sa panahong ito.

Aniya, nag-inspeksyon na ang mga opisyal ng LTO 7 sa 200 buses at vans-for-hire sa mga terminal sa Cebu at sa mga lalawigan ng Bohol, Negros Oriental at Siquijor.

Sa nasabing bilang, 15 bus at siyam na vans-for-hire ang nakitaan ng ilang paglabag kabilang na ang pudpod na gulong, sirang signal lights, wiper, windshield, seatbelts, at iba pa.

Sinabi ni Caindec na hindi nila pinayagang bumiyahe ang mga “erring” PUVs at pinayuhan ang kanilang mga driver na bumalik sa kanilang garahe upang ayusin ang mga depekto.

Aniya, ang mga PUV na mabigo sa kanilang roadside inspection ay bibigyan ng temporary operator’s permit.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe