Monday, May 20, 2024

HomeNewsMost Wanted Person patay sa Northern Samar

Most Wanted Person patay sa Northern Samar

Northern Samar – Patay ang isang Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation ng mga tauhan ng Police Regional Office 8 sa Brgy. Hibalagnan, Catarman Northern Samar noong Agosto 25, 2022.

Kinilala ang nasawi na si Ramil Taneo, DILG-Listed Most Wanted Person, nasa legal na edad, may live-in partner at residente ng nabanggit na lugar.

Nagsagawa ng manhunt operation ang mga operatiba para sa nasabing akusado para ipatupad ang warrant of arrest nito sa kasong Murder at Frustrated Murder at may monetary reward na Php135, 000.00 sa ilalim ng DILG Memorandum Circular No. 2021-022. Ngunit nagpaputok ito sa mga operatiba at nanlaban, kaya napilitan ang mga awtoridad na gumanti at dipensahan ang kanilang mga sarili.

Sinubukan pa ng mga awtoridad na irevive si Taneo ngunit agad din itong binawian ng buhay.

Narekober sa pinangyarihan ang isang yunit ng caliber .45 pistol na may markang MK IV na may SN 973264, isang yunit ng caliber .38 revolver na walang marka at isang pirasong fired cartridge para sa caliber .45 pistol.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe