Monday, May 20, 2024

HomePoliticsSectoral NewsMga Peace Advocate sa Iloilo mainit na sinuportahan si PBBM sa unang...

Mga Peace Advocate sa Iloilo mainit na sinuportahan si PBBM sa unang SONA nito

Iloilo City- Mainit na sinuportahan ng mga Peace Advocates sa Iloilo City ang pinakaunang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa pamamagitan ng isang peace rally nitong araw, Hulyo 25, 2022.

Ang naturang pagtitipon ay pinangunahan ng Sentrong Alyansa ng mga Mamamayan para sa Bayan o SAMBAYANAN sa pangunguna ni Rey Cachuela, Area Coordinator, na dinaluhan naman ng ibat ibang kasapi mula sa mga Youth Volunteers at mga Force Multipliers.

Ayon pa ni Cachuela, ang kanilang rally ay bilang pagsuporta sa administrasyon ni President Marcos at Vice President Sara Duterte.

Matatandaan na ang grupo ay aktibo at nangunguna sa pagsuporta sa Philippine Army at sa NTF-ELCAC na naglalayong tuldukan ang lahat ng makakaliwang grupo na patuloy pang mambiktima ng kabataan upang irecruit at maging kasapi ng New People’s Army.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe