Monday, May 20, 2024

HomePoliticsSectoral NewsMga opisyales ng SAMBAYANAN Youth of the Philippines sa Iloilo City pormal...

Mga opisyales ng SAMBAYANAN Youth of the Philippines sa Iloilo City pormal na nanumpa

Iloilo City- Pormal na nanumpa ang mga opisyales ng SAMBAYANAN Youth of the Philippines Metro Iloilo Chapter nitong ika-18 ng Agosto 2022 sa Barangay Bito-on, Jaro, Iloilo City.

Ang nasabing panunumpa ay kasunod sa paglunsad ng nasabing organisasyon na may temang: “Strengthening and Protecting the Youth and Students in the Communities from CTG’s Infiltration, Criminalities and Illegal Drugs Proliferation in order to attain true peace and development.”

Tinatayang nasa 140 youth leaders mula sa ibat ibang distrito ng Iloilo City ang dumalo kabilang na rito ang mga kabataang lider ng host barangay.

Ang bagong halal na mga opisyales ay pormal na kinilala at tinanggap sa pangunguna ni Punong barangay Jonalyn Provido. Habang pinangunahan naman ni SAMBAYANAN Western Visayas Coordinator Winefredo Doblizo Jr ang kanilang Pledge of Commitment.

Nakilahok din sa paglulunsad ang mga tauhan ng Philippine National Police at ng Philippine Army na nagpaabot ng walang humpay na suporta mula simula hanggang matapos ang nasabing pagtitipon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe