Monday, May 20, 2024

HomeEntertainmentMga Iskolar ng Bayan

Mga Iskolar ng Bayan

Mga iskolar ng bayan protektahan

Deka dekadang panlilinlang ating wakasan

Tunay na edukasyon ang inyong karapatan

Inyo nang itakwil ideolohiya ng karahasan.

Pamantasang hirang maghuhubog sa kabataan

Magturo ng ayon, sa ikauunlad ng bayan

Ang murang isip ng inyong kabataan

Huwag ilihis tungo sa kapahamakan.

Sa kanayunan, sa kabundukan sila ay nagkubli

Nag armas, dahas, nilapastangan, pinagsilbi

Ekstorsyon, terorismo, pagkitil sa mamamayan

Mga musmos ng Lumad inyo pang inagawan.

Pag nasukol sa kabundukan ng tunay na Sandatahan

Mga buntis, sugatan, inyong labi ay iiwan

Ng mga kadreng duwag ng teroristang sinamahan

Habang hayahay sa buhay, naglason sa inyong kaisipan.

Nagsusumiklab mga panaghoy at hinagpis,

Mga magulang ng kabataang inyong inilihis

Tama na, sobra na, itakwil ang karahasan,

Mga iskolar ng bayan, ating protektahan!

-Unknown

Credits to the author and image owner

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe