Tuesday, February 11, 2025

HomeNewsMga guro, makakatanggap ng mas malaking honorarium sa 2025 Election

Mga guro, makakatanggap ng mas malaking honorarium sa 2025 Election

Makakatanggap ng mas mataas na sahod at karagdagang insentibo ang mga guro mula sa Department of Education (DepEd) na magsisilbi sa darating na pambansa at lokal na halalan sa Mayo 12, ayon sa opisyal ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Atty. Lionel Marco Castillano, direktor ng Comelec-Negros Island Region (NIR), itinaas ang poll honoraria bilang tugon sa mga kahilingan para sa mas mataas na bayad at karagdagang benepisyo.

“The teachers will also receive a service incentive leave, recommended at 5 to 7 days and a monetary incentive increase,” ani Castillano sa isang panayam.

Binibigyang-diin niya ang kahalagahan ng sapat na kompensasyon para sa mga guro, lalo na sa Canlaon City, Negros Oriental, at iba pang bahagi ng Negros Occidental, sakaling ilipat ang eleksyon dahil sa posibleng pagsabog ng bulkan.

Ang itinalagang honoraria para sa Board of Election Inspectors (BEI) ay PHP 12,000 para sa chairperson, PHP 11,000 para sa poll clerk, PHP 10,000 para sa pangatlong miyembro, at PHP 8,000 para sa support staff.

Noong 2022 elections, mas mababa ang honoraria, PHP 10,000 para sa chairperson, PHP 9,000 para sa poll clerk at miyembro, at PHP 6,000 para sa support staff.

Sa Marso, isasagawa ang pagsasanay ng mga guro kaugnay ng mga batas sa halalan at paggamit ng Automated Counting Machines (ACMs).

Dagdag pa ni Castillano, may nakahandang contingency plan kung sakaling itaas sa Alert Level 4 ang babala sa Mt. Kanlaon, na maaaring magdulot ng paglilipat ng botohan sa Canlaon City.

Posibleng ilipat ang botohan sa mga paaralan sa unang distrito ng Negros Oriental, na maaaring gawing evacuation centers. Dahil dito, maaaring italaga sa ibang lugar ang mga guro mula sa Canlaon sa araw ng halalan.

Kasama sa unang distrito ng Negros Oriental ang Canlaon City, Vallehermoso, Guihulngan City, La Libertad, Jimalalud, Tayasan, Ayungon, Bindoy, at Manjuyod.

Sa kabila ng mga posibleng panganib, iginiit ng Comelec na hindi ipagpapaliban ang eleksyon, dahil maaari itong makaapekto sa buong bansa.

Source: PNA

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe