Bukod sa mga benepisyaryo ng TUPAD program, nagbigay din ng livelihood assistance ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilang residente ng lalawigan nito lamang Setyembre 13, 2025.
Kabilang sa ipinamahagi ang hog raising at feed packages para sa dalawang benepisyaryo, pedicab para sa lima, at livelihood starter kits para sa tatlo pa.
Isa sa mga nakatanggap ay si Rolando Rom, isang magsasaka mula sa bayan ng Palo, na kabilang sa limang nakatanggap ng pedicab. Ayon kay Rom, malaking tulong ito sa kanyang pamilya dahil maaari niya itong gamitin bilang pasada upang magkaroon ng dagdag na kita, lalo na ngayong hindi na sila kabilang sa 4Ps program.
Pinangunahan ni DOLE Regional Director Atty. Dax Villaroel ang pamamahagi ng assistance, kasama sina National Youth Commission representative Joseph Francisco Ortega at Leyte 5th District Board Member Carlo Loreto, sa isinagawang Handog ng Pangulo, Serbisyong Sapat Para sa Lahat program sa Leyte Academic Complex.
Panulat ni Cami
https://www.facebook.com/share/p/1E4whSTqqj/
