Friday, November 8, 2024

HomeNewsIndigent Senior Citizens, tatanggap ng karagdagang Buwanang Social Pension

Indigent Senior Citizens, tatanggap ng karagdagang Buwanang Social Pension

Simula ngayong Pebrero 2024, tatanggap na ang mga indigent senior citizens ng karagdagang buwanang social pension mula sa Php500 patungo sa Php1,000 na programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ay pinagtibay ng Republic Act No. 11916, na kilala rin bilang “An Act Increasing the Social Pension of Indigent Senior Citizens and Appropriating Funds,” na nagbibigay ng 100 porsyentong pagtaas sa buwanang pension ng mga indigent senior citizens.

Sa paggunita sa ika-73 anibersaryo ng pagtatatag ng DSWD, pinangunahan nina Unang Ginang Louise Araneta-Marcos at Kalihim ng DSWD na si Rex Gatchalian ang seremonyal na pagpapamahagi ng social pension na nagkakahalaga ng Php6,000 para sa unang semestre ng 2024 sa humigit-kumulang na 250 na indigent senior citizens mula sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Quezon noong Pebrero 2, 2024, sa Tanggapan ng DSWD sa Batasan, Quezon City.

Sa kanyang talumpati, nagpsalamat si Kalihim Gatchalian kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa Unang Ginang para sa pagbibigay prayoridad sa kapakanan ng mga senior citizen, bilang bahagi ng mga inisyatibo na isinusulong ng kasalukuyang administrasyon.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng Unang Ginang, na siyang panauhing pandangal ng okasyon, ang papel ng mga social worker, na tinawag niyang “the heart and soul of the DSWD”, sa pagpapaunlad, pagpapatupad, at paghahatid ng mga serbisyong pangkaligtasan at kapakanan sa pinakamahina at pinakamarginalisadong sektor.

Sa mga senior citizens na naroon sa okasyon, sinabi ni Unang Ginang Araneta-Marcos: “So, sa mga lolo at lola diyan, you are in good hands with DSWD”.

Ang buwanang social pension ay ibinibigay sa mga eligible at kwalipikadong indigent senior citizens, na may edad na 60 taon pataas, may karamdaman, mahina, o may kapansanan, at walang pensiyon o walang permanenteng pinagkukunan ng kita, kompensasyon, o tulong pinansyal mula sa kanyang mga kamag-anak upang suportahan ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at matugunan ang kanilang mga medikal na pangangailangan.

Inaasahan na mahigit sa 4 milyong indigent senior citizens ang makikinabang sa itinaas na social pension sa 2024. Ang mga indibidwal na ito, na kadalasang walang access sa iba pang mga anyo ng tulong pinansyal, ay lubos na umaasa sa suportang ibinibigay ng pamahalaan upang matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan at mapanatili ang kanilang kapakanan.

Alinsunod sa pangako nitong inclusive social development, patuloy na ipinatutupad ng DSWD at ng kasalukuyang pamahalaan ang mga inisyatibong nagbibigay prayoridad sa kapakanan ng mga marginalized na sektor, tinitiyak na walang Pilipino ang maiiwan sa layuning magkaroon ng mas magandang kalidad ng buhay tungo sa isang Bagong Pilipinas.

LINK:

https://pia.gov.ph/press-releases/2024/02/05/indigent-senior-citizens-to-receive-p1000-monthly-this-year-from-dswd#:~:text=Enacted%20in%20July%202022%2C%20Republic,secured%20through%20Republic%20Act%20No.

https://www.dswd.gov.ph/first-lady-dswd-chief-lead-social-pension-payout-for-poor-seniors/

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe