Higit P2.5 milyon na shabu, nasamsam sa Bohol; apat arestado

0
114

Higit P2.5 milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng pulisya sa Bohol sa tatlong magkakahiwalay na operasyon, na nagresulta sa pagkakaaresto ng apat na suspek habang isa naman ang patuloy na pinaghahanap.

Noong Huwebes, Agosto 7, 2025, tinangka sanang arestuhin ng Loon Municipal Police Station ang 33-anyos na tricycle driver na si Elmer Jay Maputol kung saan nakuha mula sa kanya ang 255 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.7 milyon.

Gayunman, nanlaban at tumakas ang suspek kaya’t patuloy pa rin siyang hinahanap ng mga awtoridad.

Sa isa pang operasyon, naaresto ng Balilihan Municipal Police Station ang umano’y kilalang drug pusher na si Richard Monton, 37, residente ng Tagbilaran City.

Nakumpiska sa kanya ang 100 gramo ng shabu na may halagang P680,000.

Samantala, sa Tagbilaran City, nahuli rin ang dalawang suspek na sina Andrew Pelias, 44, at Jan Anthony Gil Arcayan, 19.

Nakuha mula sa kanila ang 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000.

Ang mga nahuling suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Source: AYB/Sunstar Cebu