Monday, June 3, 2024

HomeNewsDTI hinikayat ang mga consumers sa Eastern Visayas na bumili ng mga...

DTI hinikayat ang mga consumers sa Eastern Visayas na bumili ng mga lokal na produkto

Eastern Visayas – Hinikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga mamimili sa Eastern Visayas na tangkilikin ang mga lokal na produkto dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin kaugnay sa pagtaas ng pandaigdigang presyo ng petrolyo.

Ayon kay DTI Regional Director Celerina Bato, hindi apektado ang mga lokal na produkto sa pagtataas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Aniya: “Gumagamit ang ating mga producer ng mga lokal na materyales at hindi mga imported na materyales. Matagal na naming nais mangyari na mas suportahan pa natin ang mga produktong lokal na gawa mismo ng ating mga kababayan.

Bilang diskarte, ang trade department ay nag-organisa ng mga trade fair upang tumulong sa pagsulong sa mga lokal na produkto at iugnay ang mga producer sa mga lokal na mamimiling institusyon.

“Ang aming layunin ay upang suportahan ang mga micro, small at medium enterprises sa pamamagitan ng paglilipat ng kanilang mga pattern ng pagbili tungo sa pagkonsumo at pagbili ng mga lokal na sariwang ani at manufactured goods,” dagdag niya.

Ang pagtangkilik sa mga lokal na produkto ay isang paraan ng pagharap sa mga epekto ng pagtaas ng inflation rate.

Ang inflation rate ng Eastern Visayas ay tumaas sa 6.3 porsiyento noong Mayo, ang pinakamataas na acceleration na naitala mula noong Nobyembre 2018, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang pagbilis ng inflation rate ng rehiyon noong Mayo 2022 ay dahil sa pagtaas ng halaga ng transportasyon, pabahay, tubig, kuryente, gas, at iba pang panggatong, at iba’t ibang mga produkto at serbisyo.

Ang 6.3 porsiyentong pagtaas ng inflation rate ay nangangahulugan na ang mga produkto at serbisyo na nagkakahalaga ng PHP100 noong Mayo 2021 ay nagkakahalaga na ng PHP106.3 noong Mayo 2022.

Samantala, saad din ni Bato na ang mga retail store ay sumusunod sa suggested retail price (SRP) batay sa kanilang lingguhang monitoring sa anim na probinsya sa rehiyon.

“Ang pokus ng aming lingguhang monitoring ay ang mga lungsod at kabisera. Ginagawa namin ito buwan-buwan sa ibang mga bayan. Sa ngayon, ang aming mga retailer ay nagrereklamo sa umiiral na SRP,” dagdagpa  ni Bato.

Inilabas ng DTI ang bagong SRP para sa iba pang mga pangangailangan at pangunahing bilihin noong Mayo 22.

Source: PNA | https://www.pna.gov.ph/articles/1176601

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe