DSWD, nagpaabot ng tulong sa mga nasunugan sa Eastern Visayas

    0
    173

    Nagbigay ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 8 sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Brgy. Ugbon, Leyte, Leyte at Brgy. San Jose, Malitbog, Southern Leyte.

    Noong Setyembre 15, 2025 namahagi ang ahensya ng 31 family food packs, 14 sleeping kits, 12 family kits, 14 kitchen kits, 14 hygiene kits, at 23 na lalagyan ng 6.6-litro na distilled water. Bukod dito, bawat pamilyang naapektuhan ay tumanggap ng ₱10,000 na cash assistance.

    Patuloy ang pagsubaybay ng DSWD at pakikipag-ugnayan nito sa mga lokal na pamahalaan (LGU) upang matiyak na ang lahat ng naapektuhan ay makatatanggap ng kinakailangang tulong at suporta.

    Panulat ni Cami
    https://web.facebook.com/share/p/18vRCPKcNf/