Wednesday, December 25, 2024

HomeNewsDPWH, nagtanim ng 315K replacement trees sa Eastern Samar

DPWH, nagtanim ng 315K replacement trees sa Eastern Samar

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Miyerkules ang pagtatanim ng 315,100 puno para palitan ang mga pinutol na puno para bigyang daan ang slope protection rockfall netting project sa Eastern Samar.

Sinabi ni DPWH – Eastern Samar District Engineering Office Chief Ma. Margarita Junia na ang target na numero ay kapalit ng 3,151 punong naapektuhan ng proyekto para maiwasan ang pagguho sa kahabaan ng kalsada na nag-uugnay sa Eastern Samar at lalawigan ng Samar.

“Magiging abala tayo ngayong taon sa pagpapatupad nitong tree replacement program. Sa katunayan, mayroon na tayong kabuuang 14,000 saplings ng native trees sa ating nursery, na handa na para sa tree planting program,” sabi ni Junia sa isang panayam.

Ang pagtatanim ng puno ay alinsunod sa tree-cutting permit na inisyu ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), na nag-uutos sa implementing office na palitan ang bawat pinutol na puno ng 100 seedlings.

“With the voluminous requirements of trees to be planted, nakikipag-ugnayan din kami sa mga lokal na opisyal ng barangay na tutulong sa amin sa pag-supply ng mas maraming punla. Malaki ang maitutulong nila sa tree replacement program na ito and at the same time, ito ay magbibigay sa kanila ng karagdagang source of income,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Junia na sasaklawin ng tree planting activity ang tabing kalsada mula Taft hanggang sa mga bayan ng Arteche at sa mga kagubatan na sasaklawin ng DENR.

Ang departamento ay naglagay ng 3,151 puno para sa netting project nito na idinisenyo upang protektahan ang 1.7 km. ng kalsada sa Eastern Samar mula sa madalas na pagbagsak ng mga bato.

Ang 1.7-km road section ay nasa loob ng road network na nag-uugnay sa mga kabisera ng probinsiya ng Catbalogan City sa Samar at Borongan City sa Eastern Samar.

Ang rock netting sa unstable rock faces at slopes ay isang paraan upang mapigil at makontrol ang mga rockslide, protektahan laban sa mga epekto ng pagguho, at mapabuti ang tibay nito.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe