Timbog ang dalawang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng pulisya sa Brgy. Brgy. Bislig, Tanauan, Leyte bandang 2:58 ng hapon noong Pebrero 7, 2025.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Ron,” 45 taong gulang, walang trabaho, at residente ng Brgy. Villa Rosa, Burauen, Leyte, at alyas “Rain,” 41 taong gulang, barbero at residente ng Brgy. Buri, Tanauan, Leyte.
Naaresto ang mga suspek sa pamamagitan ng pinagsamang pwersa ng mga tauhan ng PDEU-Leyte PPO, Tanauan MPS, at PDEA 8.
Nakumpiska sa mga suspek ang walong pakete ng hinihinalang shabu, isang 500-pesos bill na ginamit bilang buy-bust money, at 600 pesos na cash.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Panulat ni Cami
Source: https://www.facebook.com/share/p/1B8ExsbzHm/