Monday, May 20, 2024

HomeEntertainmentCebuana singer, nag-viral matapos kumanta ng random song sa isang mall sa...

Cebuana singer, nag-viral matapos kumanta ng random song sa isang mall sa Maynila

Kumakalat sa internet ang isang Cebuana na nagpakita ng kanyang kahanga-hangang husay sa pagkanta nang sumabay siya sa isang pianist sa loob ng isang mall sa Maynila.

Sa viral video, makikita si Josephine Aton, mula sa Cebu City, na walang kahirap-hirap na inilabas ang hit song ni Whitney Houston na “Didn’t We Almost Have It All”.

Namangha ang mga tao sa loob ng mall sa boses niya. Maririnig ang pag-cheer nila sa kanya sa background.

Ang video ay kuha ni Anthony Ramos. Ibinahagi niya ito sa Facebook at nakakuha na ng mahigit 225,000 likes at 69,000 shares as of this posting.

“Dumaan lang si ate at tumugtog ng piano,” sabi ni Ramos sa kanyang post.

Sinabi ni Aton na sumali siya sa Pilipinas Got Talent noong 2010 at Tawag ng Tanghalan noong 2016 at 2018.

Sa pagbabahagi ng viral video, nagpasalamat si Aton sa mga naka-appreciate ng kanyang boses.

Panoorin ang nasabing video sa link na ito: https://cebudailynews.inquirer.net/452304/cebuana-singer-who-randomly-sings-in-a-mall-in-manila-goes-viral

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe