Friday, November 15, 2024

HomeNewsBulkang Kanlaon nagbuga ng 7,228 toneladang asupre sa Negros Occidental

Bulkang Kanlaon nagbuga ng 7,228 toneladang asupre sa Negros Occidental

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang patuloy na aktibidad sa Bulkang Kanlaon, kung saan may 13 pagyanig o mga paggalaw na naobserbahan sa nakalipas na 24 oras mula Nobyembre 13, 2024.

Ayon sa pinakahuling ulat ng PHIVOLCS, umabot sa 7,228 tonelada ng sulfur dioxide (SO₂) ang inilabas ng bulkan. Kasabay nito, patuloy ang malakas na pagsingaw ng usok mula sa bunganga ng bulkan na umabot sa taas na 1,000 metro. Dahil dito, nananatiling nasa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon, na nangangahulugang may potensyal para sa biglaang pagputok.

Ang mga awtoridad ay nag papaalala na patuloy na mag-ingat at maging mapagmatyag upang mapanatiling ligtas ang bawat isa. 

Ang patuloy na pagsubaybay sa sitwasyon ng Bulkang Kanlaon ay ginagawa ng mga awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa paligid nito. Ang kooperasyon ng lahat ay mahalaga upang maiwasan ang anumang sakuna.

Source: K5 News FM Bacolod

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe