Wednesday, December 25, 2024

HomeNewsBarangay Official at political supporter ni aspirant Governor Gemma Zosa, sugatan matapos...

Barangay Official at political supporter ni aspirant Governor Gemma Zosa, sugatan matapos pagbabarilin sa Sta. Margarita, Samar

Sugatan ang isang political supporter matapos ang pamamaril sa Barangay Balud, Sta. Margarita, Samar nito lamang Martes, Mayo 3, 2022.

Kinilala ang biktima na si Hon. Randy A. Uy, isang Barangay Kagawad at political supporter ng incumbent Mayor at candidate para sa Gobernador na si Gemma P. Zosa.

Sa pahayag ni Sta. Margarita Chief of Police, PLt Lorben Deraco, alas 3:20 ng madaling-araw nangyari ang insidente at agad na dinala ang biktima sa Calbayog General Hospital.

Samantala, isa pang Barangay kagawad ang natukoy na suspek na si Hon. Salvador Getigan, umano’y isang political supporter ni Mayoralty Aspirant Felix Panganoron sa ilalim ng Partido Nacionalista.

Patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operation ng Sta. Margarita PNP at Samar 1st SPMFC para maaresto ang suspek.

Source: Samar Daily News Online

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe