Monday, May 20, 2024

HomeNewsBaku-bakong kalsada sa Calbayog City, inirereklamo ng mga motorista at mga netizens

Baku-bakong kalsada sa Calbayog City, inirereklamo ng mga motorista at mga netizens

Viral ngayon ang reklamo ng isang netizen kaugnay sa lumalalang sitwasyon ng kalsada sa unang distrito ng Samar partikular sa Brgy. Capoocan, San Policarpo at Trinidad o Sabang sa Lungsod ng Calbayog.

Aniya, kailangan na umano itong aksyunan ng DPWH dahil marami na ang naitatalang disgrasya at nagbabadya lagi ang panganib na maaaring idulot pa nito sa lahat ng mga motorista na dumadaan sa baku-bakong daan sa naturang lugar.

Dagdag pa ng netizen, malaking kalbaryo ang dala nito sa mga byahero lalo na sa gabi at ngayon pang minsa’y masungit ang panahon at umuulan-ulan.

Ayon sa kanya, kung hindi man ito inaksyunan nang nakaraang administrasyon dahil sa umano’y hindi pa man din ganito kalala ang sitwasyon ay nanawagan ito ngayon sa mga otoridad na wag nang hintayin pang may madisgrasya pang muli bago pa aksyunan ang kalsadang inirereklamo ng mga motorista.

Matatandaang sunod-sunod na disgrasya ang naitatala sa naturang kalsada nitong Nobyembre at Disyembre nang nakaraang taon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe