Monday, December 16, 2024

HomePoliticsFormer Rebel NewsBabaeng NPA member, sumuko sa mga awtoridad sa Eastern Samar

Babaeng NPA member, sumuko sa mga awtoridad sa Eastern Samar

Eastern Samar – Boluntaryong sumuko ang isang babaeng miyembro ng Communist Terrorist Goup na NPA sa mga tauhan ng 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company Headquarters nito lamang Hulyo 22, 2022.

Kinilala ng mga awtoridad ang sumuko na si alyas “Ola”, 27 taong gulang, may kinakasamang live-in partner at residente ng isang outskirt barangay sa Dolores, Eastern Samar.

Si alyas “Ola” ay dating full-time Communist Terrorist Combatant sa loob ng mahigit limang taon ng Front Guerilla Unit ng Sub-Regional Committee ARCTIC, Eastern Visayas Regional Party Committee ng New People’s Army.

Ang pagsuko ni alyas “Ola” ay resulta sa mas pinaigting na kampanya ng AFP at PNP kontra insurhensya sa lalawigan.

Ayon naman sa mensahe ni Police Lieutenant Colonel Joy G Leanza, Force Commander, “Umaasa ako na ang mga natitirang NPA, ang mga piniling manatiling bulag at bingi sa panawagan ng gobyerno ay sana magising na sapagkat ang ipinaglalaban ng mga terorista ay walang saysay na layunin. Ito ay ginagawa nila upang sirain lamang ang kinabukasan at pamilya ng bawat tao. Sa ating mga kapatid na NPA, isuko ang inyong mga armas at mamuhay ng mapayapa. Malugod kayong tatanggapin ng gobyerno.”

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe