Sa layuning palaganapin ang kamalayan ng publiko laban sa terorismo, nagsagawa ng kampanya ang mga awtoridad ng Revitalized Pulis Sa Barangay (R-PSB) Team Antique hinggil sa pamamahagi ng mga flyers tungkol sa Republic Act 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020 sa Barangay Cabladan, Sibalom, Antique nito lamang ika-31 ng Hulyo, 2025.
Bitbit ang mensaheng “Wag Maging Biktima ng Terorismo. Wag Magpalinlang, Kapayapaan Hindi Karahasan,” hinikayat ng mga awtoridad ang mga residente na maging mapagmatyag at hindi basta-basta magpapaniwala sa panlilinlang ng mga teroristang grupo.
Upang mas maunawaan ng mga residente ang nilalaman at kahalagahan ng batas, ipinaliwanag ito ng mga awtoridad gamit ang lokal na diyalekto.

Sa ganitong paraan, mas naging malinaw at makabuluhan ang mensahe ng kampanya para sa mga mamamayan.
Nilalayon ng kampanyang ito na labanan ang mga estratehiya ng pagrerekrut at pagpapakalat ng maling impormasyon o “black propaganda” ng mga grupong may layuning manggulo sa kapayapaan ng bansa.
Ang gawaing ito ng mga alagad ng batas ay bahagi ng kanilang patuloy na adbokasiya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga pamayanan.
Sa pamamagitan ng edukasyon at pakikipag-ugnayan sa mga tao, layunin nilang hadlangan ang anumang uri ng pananamantala ng mga grupong nagtutulak ng karahasan.
