Awtoridad, nagbigay ng seguridad sa pamamahai ng Social Pension sa Dao, Capiz

0
116

Naglunsad ng mahigpit na pagbabantay ang mga awtoridad sa ginanap na pamamahagi ng Social Pension para sa mga nakatatanda nito lamang ika-21 ng Agosto, 2025 sa bayan ng Dao, Capiz.

Layunin nito na masiguro ang kaligtasan at kaayusan habang isinasagawa ang payout para sa mga benepisyaryo.

Sa pangunguna ni PCPT Rian F Ampoyos, Officer-in-Charge ng Dao Municipal Police Station, nagtalaga sila ng mga tauhan upang magsagawa ng Police Assistance at Security Detail.

Pinanatili nila ang maayos na daloy ng mga pila at binantayan ang paligid upang maiwasan ang anumang banta o insidente ng kriminalidad.

Malaking tulong ang ginawang pagbabantay ng mga awtoridad upang makapagsagawa ng maayos at mapayapang pamamahagi ng benepisyo.

Naging panatag ang loob ng mga nakatatanda at kanilang pamilya dahil sa presensya ng mga alagad ng batas.

Ipinapakita ng hakbang na ito ang masusing malasakit at pagsisikap ng pamahalaan na tiyakin ang kapakanan ng mamamayan, lalo na ng mga senior citizen, bilang bahagi ng patuloy na programa tungo sa mapayapa at maunlad na pamayanan.

Source: DAO MPS PCADS FB PAGE