Friday, November 22, 2024

HomeEntertainmentCultureSinulog Festival: Isang Pagdiriwang ng Pananampalataya at Pasasalamat sa Pilipinas

Sinulog Festival: Isang Pagdiriwang ng Pananampalataya at Pasasalamat sa Pilipinas

Ang Sinulog ay isa sa pinakahihintay na kaganapan sa ating bansa. Milyun-milyong deboto ng mahimalang imahen ng Batang Hesus, Santo Niño, ang dumarating sa Cebu City mula sa iba’t ibang panig ng mundo upang ipakita ang kanilang pasasalamat sa Banal na Santo sa isang linggong pagdiriwang.

Ang Sinulog ay salita na ibig sabihin ay “tulad ng agos ng tubig”. Ito ay ang pangalan ng ritwal ng sayaw bilang parangal sa Santo Niño. Ang sayaw ay ang paggalaw sa kumpas ng tambol at ito ay kahawig ng agos ng ilog sa Cebu. Kaya, tinawag na Sinulog Dance.

Bukod sa pagiging relihiyosong pagdiriwang, ang Sinulog ay nagsilbing venue din upang ipakita ang kakaibang sining at pagkamalikhain ng Cebuano habang ang mga kalahok ay nag-aalok ng mga nakamamanghang pagtatanghal at isang kahanga-hangang pagdiriwang na patuloy na bumihag sa puso ng mga lokal at dayuhang turista.

Ang Sinulog Festival ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong Linggo ng Enero. Gayunpaman, dahil sa COVID-19 pandemic, ang Sinulog Festival na pisikal at virtual na pagdiriwang ay pansamatalang ipinagpaliban.

Source: www.zenrooms.com

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe