Php2M halaga ng shabu, nasamsam sa buy-bust sa Loon, Bohol

0
124

Arestado ang isang lalaki mula Tagbilaran City matapos mahulihan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit dalawang milyong piso sa isinagawang buy-bust operation ng Loon Municipal Police Station noong Miyerkules ng gabi, Agosto 20, 2025, sa Purok 7, Barangay Song-on.

Kinilala ng mga pulis ang suspek na si Jordan Lagura, 30 anyos, residente ng Poblacion 1, Tagbilaran City.

Nakumpiska mula sa kanya ang tatlong malalaking pakete at isang maliit na pakete ng pinaniniwalaang shabu na may kabuuang timbang na 305 gramo. Batay sa standard drug price, aabot sa Php2,074,000 ang halaga ng mga nakumpiskang droga.

Nakuha rin sa operasyon ang Php2,000 marked money at iba pang ebidensya na isinailalim na sa pagsusuri ng PNP Regional Forensic Unit 7.

Ayon sa impormasyon na natanggap ng Loon Police, isa umanong malaking tulak ng droga mula Tagbilaran City ang nakatakdang magdadala ng shabu sa kanilang bayan, dahilan para ikasa ang nasabing operasyon.

Source: AYB/Sunstar Cebu