Tinupok ng apoy ang siyam na bahay sa sunog na naganap sa Sitio Caduloy, Barangay Tisa, Cebu City, bandang 9:14 ng umaga noong Lunes, Pebrero 5, 2024.
Walo sa mga bahay ang naabo, habang ang isa ay bahagyang nasira.
Nagsimula umano ang sunog sa bahay ng isang Crisencia Abarquez Seciban, habang inaalam pa ng mga awtoridad ang tunay na sanhi nito.
Hindi bababa sa 15 pamilya o 75 indibidwal ang nawalan ng tirahan sa sunog at nakapagtala ng humigit-kumulang P1.65 milyon ang halaga ng pinsala.
Tatlong residente ang nagtamo ng sugat nang tangkaing apulain ang sunog na kinilalang sina Christian Omambac, Gwendel Ciriaco at Jonathan Jabalde.