Tuesday, November 26, 2024

HomeNews2,000 Pulis, pinakalat sa Eastern Visayas para sa Holiday Season

2,000 Pulis, pinakalat sa Eastern Visayas para sa Holiday Season

Nagpadala ang Philippine National Police (PNP) ng hindi bababa sa 2,065 na pulis sa anim na probinsya at dalawang lungsod sa Eastern Visayas para i-secure ang mga simbahan at iba pang pampublikong lugar ngayong holiday season.

Ang deployment ay bahagi ng “Ligtas Paskuhan 2023” security campaign ng PNP, ani Major Marjorie Manuta, tagapagsalita ng Police Regional Office 8 (PRO-8).

Ang mahigit 2,000 law enforcement personnel ay ide-deploy simula Dec. 16, sa oras ng pagsisimula ng siyam na araw na misa ng madaling araw, at magpapatuloy sila sa pag-secure ng mga lugar sa matataong lugar hanggang Jan. 6, 2024, o ang Three Kings Day.

Sa 2,065 na tauhan, 531 ang ipapakalat sa lalawigan ng Leyte, 236 sa Southern Leyte, 77 sa Biliran, 307 sa Samar, 256 sa Eastern Samar, 277 sa Northern Samar, 189 sa Ormoc City at 192 sa Tacloban City.

Dadagdagan sila ng mga force multiplier at mga miyembro advocacy groups at mga tanod.

“Their deployment in places such as churches, public plazas, and markets might extend beyond January 6 if there are untoward incidents, but we don’t expect that,” sabi ni Manuta nitong Huwebes.

Paiigtingin din ng pulisya ang kanilang kampanya laban sa firecracker ban, na tinitiyak na ang mga awtorisadong tindahan ay nagbebenta ng mga hindi ipinagbabawal na paputok.

Kabilang sa mga ilegal na paputok ay watusi, piccolo, five star, pla-pla, lolo thunder, giant garlic, giant whistle bomb, super lolo, goodbye bading, goodbye Philippines, Bin Laden, mother rockets, goodbye Napoles, super Yolanda, boga at kabasi.

Samantala, nauna nang nagpadala ang PRO-8 ng 608 pulis na naka-deploy sa mga checkpoints sa kahabaan ng Maharlika Highway mula Allen, Northern Samar, hanggang San Ricardo, Southern Leyte.

Itinayo ng Police Regional Office 8 ang Task Force Maharlika noong unang bahagi ng taon, na naglalayong maiwasan ang mga insidente ng krimen gamit ang rutang nag-uugnay sa Eastern Visayas sa Luzon at Mindanao.

Ang paglikha ng task force ay isang inisyatiba ng PRO-8 upang ma-secure ang pangunahing mga daanan matapos makatanggap ng mga ulat na ang kalsadang ito ay ginagamit sa transshipment ng iba’t ibang kontrabando tulad ng ilegal na droga, loose firearms, at mga produkto mula sa illegal logging.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe