Saturday, November 23, 2024

HomeNewsNewly-released prisoner, tumalon mula sa RoRo vessel patungong Northern Samar

Newly-released prisoner, tumalon mula sa RoRo vessel patungong Northern Samar

Idineklarang nawawala ang isang lalaki na kamakailan lamang nakalabas sa kulungan matapos umanong tumalon mula sa isang Roll-on Roll-Off (RoRo) vessel patungo sa Allen, Northern Samar.

Kinilala ang lalaki na si Niño ‘Nono’ Chavez, 33, residente ng Catbalogan City sa Samar.

Ayon sa ulat, noong Martes, Pebrero 21, si Chavez ay nasa biyahe mula Luzon sa pamamagitan ng Fast Cat vessel habang nasa karagatan ng Capul, Northern Samar nang tumalon umano siya sa barko sa hindi malamang dahilan.

Nag-udyok ito sa mga tripulante na ihinto ang paglalayag upang magsagawa ng Search and Rescue Operation at makipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard.

Gayunpaman, si Chavez ay hindi natagpuan at nananatiling nawawala hanggang sa ngayon.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na sumakay si Chavez sa isang public utility bus, kung saan nagpakita siya ng Certificate of Discharge mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) bilang patunay ng kanyang pagkakakilanlan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe