Thursday, November 7, 2024

HomeNewsMga armas, narekober ng mga awtoridad sa Leyte

Mga armas, narekober ng mga awtoridad sa Leyte

Leyte – Narekober ng mga tropa ng 14th Infantry (Avenger) Battalion ang mga nakatagong armas matapos matuklasan ang isang arms cache habang nasa combat operations sa hinterlands ng Brgy Bunga, Baybay City, Leyte noong Pebrero 17, 2023.

Narekober ang isang US rifle Cal 5.56 mm Colt M16 rifle at isang US rifle Cal .30 M1 Carbine magazine ammunition.

Ipinaliwanag ni Lieutenant Colonel Ernesto R Dela Rosa Jr., Battalion Commander, 14th Infantry Battalion, “Ang pagkatuklas ng arms cache na ito ay resulta ng patuloy na suporta ng Former Rebels (FRs) na ngayon ay miyembro ng Integrated Peace and Development Workers Association (IPDWA), dating Communist Terrorist Group (CTG) mass supporters at civilian populace na ibinunyag at iniulat nila ang posibleng hideout ng CTG sa lugar ng operasyon”.

Panawagan naman sa mga natitirang NPA na patuloy pa ring nagtatago sa kabundukan na sumuko na kasama ang kanilang mga armas at mapakinabangan ang mga benepisyo ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) at ng Local Social Integration Program (LSIP) na iniaalok ng gobyerno, kaysa patuloy na magdusa sa gutom, pagod at lahat ng panganib habang nagtatago sa kabundukan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe