Sunday, November 24, 2024

HomeNewsMahigit Php14M shabu, nakumpiska sa magkahiwalay na buy-bust sa Cebu City

Mahigit Php14M shabu, nakumpiska sa magkahiwalay na buy-bust sa Cebu City

Umabot sa mahigit Php14 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa mga suspek na naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Cebu City nitong Martes, Setyembre 20, 2022.

Bandang 3:00 ng hapon noong Martes, nakumpiska ng mga miyembro ng Police Station 8 ng Cebu City Police Office (CCPO) ang tinatayang nasa mahigit isang (1) kilo ng shabu na may Standard Drug Price na Php7,145,440.00 sa tatlong drug suspek na naaresto sa operasyon sa Villa Leyson Subd. Brgy. Bacayan, Cebu City.

Kabilang sa mga naaresto sina Rulan Mercado, 29, residenete ng Brgy. Bacayan, Cebu City; Reynaldo Ardina, 36, residente ng Brgy. San Jose, Cebu City; at Ryan Zanoria, 38, residente ng Brgy. Pit-os, Cebu City, na kabilang sa mga drug watchlist ng naturang lungsod.

Samantala sa magkaparehong operasyon ay naaresto naman ng miyembro ng Police Station 6 ng Cebu City Police Office ang isa sa High Value Individual (Regional Level) na si John Mark Cuizon 26, resisente ng Brgy. Pasil, Cebu City.

Si Cuizon ay naaresto pasado alas-9 ng gabi sa parehong araw sa Brgy. Suba, Cebu City. Nakuha mula rito ang nasa isang (1) kilo ng shabu na may standard drug price na Php7,418,120.00.

Maliban sa mga ilegal na droga ay nakumpiska rin mula sa mga nasabing  operasyon ang ibat-ibang uri ng drug paraphernalia, at buy-bust money.

Ang mga nakumpiskang ebidensiya ay agad na isinumite ng mga kapulisan sa Regional Crime Laboratory Office para sa pagsusuri.

Nahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe