Saturday, September 21, 2024

HomeNewsPampasaherong Jeep nawalan ng preno sa Negros Oriental; 1 patay, 6 sugatan

Pampasaherong Jeep nawalan ng preno sa Negros Oriental; 1 patay, 6 sugatan

Patay ang isang babaeng sakay ng pampasaherong jeep habang anim sa kanila ang isinugod sa ospital matapos maaksidente ang pampasaherong jeep na kanilang sinasakyan sa kahabaan ng Brgy. Hagtu, Mabinay, Negros Oriental nitong ika-17 ng Setyembre 2022.

Kinilala ang biktima na si Jinky Hanlipes Benigay, 18, residente ng Brgy. Camingawan, Kabankalan City, Negros Occidental.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang Public Utility Vehicle (PUV) na bumibiyahe mula Kabankalan City, Negros Occidental patungong Mabinay, Negros Oriental ay nawalan ng preno habang ito ay pababa sa nasabing lugar at nagresulta sa pagkahulog ng sasakyan sa gilid ng kalsada.

Kasalukuyan namang nagpapagaling sa Mabinay Medicare Community Hospital ang anim pang mga pasahero kabilang na ang konduktor na nagtamo ng matinding sugat sa katawan,

Kusa namang sumuko ang driver ng nasabing sasakyan sa Kabankalan City Police Station na agad ring inilipat sa Mabinay PNP sa Negros Oriental.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe